Philippine literature, books, authors, quotations, sayings, etc.

Tuesday, December 20, 2005

The Filipino Alphabet

ANG ALPABETONG FILIPINO

Bago dumating ang mga mananakop sa Pilipinas ang mga Filipino ay may sariling wika at panulat. Ang larawan sa kanan ay unang panulat ng mga Filipino.

BAYBAYIN ang pangalan ng panulat na ito. Ito ay galing sa salitang baybay na ang ibig sabihin ay ”spell” sa English o kaya ay ”bokstavera” sa Swedish.

Ayon kay David Direnger , kilalang eksperto sa mga matatandang panulat, ang BAYBAYIN ay maaaring nanggaling sa matandang panulat na Kavi ng Java, Indonesia.

Ang isa pang pangalan ng BAYBAYIN ay ALIBATA. Ang katawagang ito ay inimbento ni Dean Paul Versoza ng Pamantasan ng Maynila noong 1914. Ito ay galing sa ALIF, BA at TA, na unang titik ng dialektong Arabo ng Maguindanao. Hindi niya ipinaliwanag kung bakit niya pinili ito.Ito ay walang kaugnayan sa BAYBAYIN.

Ang BAYBAYIN o ALIBATA ay nakasulat sa mga dahon.

History of Tagalog

For the history of tagalog, please jump to here.

Ang panulat na DOCTRINA CRISTIANA ay ang unang aklat na isinulat sa BAYBAYIN o ALIBATA. Ang aklat na ito ay nasa pagtangkilik ng ”Library of Congress” sa Wahington, DC.


ANG 20-LETRANG ORIHINAL NA ABAKADA

Aa Bb Kk Dd Ee Gg Hh Ii Ll Mm Nn NG ng Oo Pp Rr Ss Tt Uu Ww Yy

Ito ay ginagamit sa mga karaniwang salitang tinanggap o naasimila na sa bokabularyong o talasalitaan ng wikang pambansa.

ANG BAGONG ALPABETONG FILIPINO

A B C D E F G H I J K L M N Ň NG O P Q R S T U V W X Y Z

Ang idinagdag na walong titik ( C, F, J, ŇQ, V, X, Z ) ay ginagamit para sa mga sumusunod.

1. Pantanging pangalan ng tao, hayop, bagay o lunan.
Carlos Volter El Niňo Jimenez Luzo

2. Mga katutubong salita mula sa mga dialekto ng bansa.
Hadji villa hacienda canao jihad

3. Mga salitang banyaga na walang katumbas sa Filipino.
Canvas jazz quorum fastfood visa xerox


Ilang Paliwanag ukol sa Titik Ň (enye)

Sa dahilang ang titik Ň (enye) ay titik mula sa kastila, wala ni isa mang salitang Tagalog (Filipino) na isinama sa diksyunaryong ito na nagsisimula sa naturang titik. Gayunpaman, may iilang salitang etniko na natagpuan sa Ň (enye) na ginawang pinakakinatawan ng naturang titik. Nagsama rin ng ilang salita na nagtataglay ng titik Ň (enye),bagamat ito ay nasa loob ng salita.

Halimbawa:

Caňao - panseremonyang sayaw ng mga Igorot

Piňa (ananas) - isang uri ng prutas


ANG PAGBASA NG MGA LETRA. Ang pagbigkas sa mga letra ng alpabetong Filipino ay bigkas-Ingles maliban sa Ň(enye) na tawag kastila.

A B C D E F G H I J

/ey/ /bi/ /si /di/ /i/ /ef/ /dzi/ /eyts/ /ay/ /dzey/

K L M N Ň NG O P Q

/key/ /el/ /em/ /en/ /enye/ /en dzi/ /o/ /pi/ /kyu/

R S T U V W X Y Z

/ar/ /es/ /ti/ /yu/ /vi/ /dobol yu/ /eks/ /way/ /zi/


Source: Tema Modersmal

Related Articles:
Tagalog Through the Centuries
The Metamorphosis of Filipino as National Language
History of Tagalog - The Tagalog Script


3 comments:

Anonymous said...

ang wikain natin ay pambansang wika... laging basahin ng mabuti...

Anonymous said...

Nice post about the Filipino Alphabet. Keep this blog up! :-)

Anonymous said...

did i mention how great this helps me? thanks!

This site is a Coconuter production